When Love Begins
Photobucket



Photobucket
ANNE, TYPE 'ALAGAAN' AT 'PALIGAYAHIN' NI AGA OH, LABAN KA!? ni Rey Pumaloy
AMINADO si Aga Muhlach, na kung wala siyang asawa at mga anak, gusto niyang ala­gaan at paligayahin si Anne Curtis. Pero bago pa magkaroon ng isyu, nilinaw na agad ni Aga na masaya siya sa piling ni Charlene Gonzales, at sa kanilang dalawang anak. Say pa rin ni Aga, matatag ang pagsasama nila ni Charlene. Anyway, sa presscon ng bagong pelikula nina Aga at Anne, ang When Love Begins, na prodyus ng Star Cinema at Viva Films, at dinirek ni Joey Reyes, kinulit-kulit si Aga ng mga manunulat tungkol sa nararamdaman niya kay Anne. Sa totoo lang, medyo natagalan bago nagsalita si Aga tungkol sa paki­ramdam niya kay Anne. Sabi nga niya, nag-aalala siya na baka magkaroon ng intriga sa kanila ng misis niyang si Charlene, kaya tikom ang kanyang bibig. At `yun na nga, bago pa man nagsalita si Aga tungkol kay Anne, inunahan na agad niya ang mga manunulat sa pagsasabi, na wala silang problema ni Charlene, at masaya siyang dalawa, kasama ang kanilang mga anak. Kumbaga, gusto lang niyang sagutin ang mga pangungulit sa kanya ng entertainment press, tungkol kay Anne, dahil may pelikula sila. Puring-puri ni Aga si Anne. Sabi nga niya, si Anne ang tipo ng babae na hindi dapat lokohin ng kahit na sinong lalake. Sabi pa rin ni Aga, mabait at maganda si Anne, kaya hindi ito dapat lokohin ng kahit na sinong lalake. Hindi lang daw ang panlabas na anyo ni Anne ang maganda sa kanya, kundi ang kalooban nito. Pero, hanggang ganun lang ang puwedeng sabihin ni Aga, dahil para sa kanya, mahirap siyang magsalita dahil may asawa siyang tao. Pagdating daw sa trabaho, wala ring maipi­pintas si Aga kay Anne. Marami raw itong kata­ngian, at isa na nga roon ang pagkakaroon ng dedikasyon sa kanyang trabaho. Si Anne nga raw ay isang responsableng babae, at hindi tatanga-ta­nga sa kanyang propesyon. Giit pa ni Aga, normal sa isang lalakeng tulad niya ang mag-isip na gusto niyang alaaan ang isang babae na may ma­buting kalooban, na tulad ni Anne. Pero, dahil mahal na mahal niya ang misis niya, walang malisya sa kanya ang pag-aalaga na `yon para kay Anne. Sabi nga ni Aga, nai-in love talaga siya sa mga kasamahan niya sa pelikula, pero hanggang pelikula lang daw `yon. Prangkahang sinabi ni Aga na mula nu’ng magmahalan sila ni Charlene, wala na siyang leady lady na niligawan niya. Anyway, sa open forum para sa When Love Begins, ibinuking ni Anne si Aga, na mahilig magsalita na mag-isa, o tipong kausapin ang kanyang sarili, habang nasa Boracay sila. Sa simula ay ayaw sabihin ni Aga kung bakit ganun ang ginagawa niya? Pero, dahil sa pangungulit ng press, nagsalita rin si Aga. Sabi ni Aga, habang nasa Boracay sila ay pumapasok sa isip niya na gusto niya si Anne. Kunsabagay, sa tingin ng mga manunulat, parang nadala si Aga sa role niya, at dahil na rin sa ganda ng Boracay, at sa ganda rin ni Anne. Pero, sabi nga ulit ni Aga, alam na alam niya ang posisyon niya, na isang babae lang ang mahal niya ngayon, at `yun ay ang ina ng kanyang kambal. Siyanga pala, hindi pa nakukunan ang love scene nina Aga at Anne. At ngayon pa lang, sinasabi na ni Aga na mag-uusap sila ng masinsinan ni Anne tungkol sa love scene na `yon, para hindi sila magkailangan. Ayaw nga raw ni Aga na mapagbintangan siyang nananamantala ng babae sa love scene. Oo nga naman, noon pa man ay wala namang nagre­reklamo kay Aga, dahil isa nga itong gentleman. Kuwento nga ni Aga, bago kinukunan ang love scene niya, dinidetalye muna niya sa ka-partner niya kung ano ang dapat nilang gawin, at kung okey lang ba `yon. At kapag natapos na raw ang eksena, at su­migaw na ng cut ang director, agad silang naghihiwalay, pero agad din niyang tinatanong ang partner niya, kung okey lang ito. ‘Yun nga raw ang magandang paraan para magtiwala ang mga babae sa mga tulad niyang lalake sa isang love scene sa pelikula. Anyway, dream come true para kay Anne ang makasama si Aga. At para kay Aga, magandang opportunity ito bilang aktor na makasama si Anne sa pelikula. “It’s just nice. Masaya. Maganda. Masarap kasama. “Sinabi ko rin ito sa kanya na this will be our first and maybe our last, but this is a good opportunity to work with you,” say ni Aga. Aminado si Aga, marami siyang natutunan kay Anne. At kung ang kaseksihan naman ni Anne ang pag-uusapan, 8 ang rate na ibinigay ni Aga para sa dalaga. Sabi nga ni Aga, lahat ng swimsuit na sinuot ni Anne ay bagay na bagay sa kanya.
Abante



AGA, NANIGAS KAY ANNE
Allan Diones
Dream come true para kay Anne Curtis ang maka­tambal sa pelikula si Aga Muhlach. Sabi ni Anne sa presscon ng When Love Begins kamakalawa nang gabi, nu’ng 12-anyos pa lang siya ay nabanggit niya sa presscon ng movie niyang Magic Kingdom (1997) na gusto niyang makapareha sa pelikula si Aga. “Kaya nu’ng sabihin sa akin na makaka-partner ko siya, I’m really excited! I can’t wait to read the script. It’s really a dream come true for me,” masayang bulalas ni Anne. Hindi pa nakukunan ang love scenes nila ni Aga sa movie, pero may mga nakunan nang kissing scenes. Ayon kay Anne, nu’ng first shooting day nila ay kabado siya kay Aga dahil alam niyang bukod sa superstar ito ay napaka-professional na aktor. Sa nerbyos niya ay naninigas si Anne. Buti na lang at pinakalma siya ni Aga at sinabihan na, “Steady ka lang, fun lang ‘to!” kaya napawi ang kaba niya. Mukhang ‘yun ang paboritong linya ni Aga kay Anne dahil ang tawag niya rito ay Aga ‘Steady Ka Lang’ Muhlach. Sampung araw silang nag-shooting sa Boracay, kaya maraming eksena si Anne na naka-two-piece bikini at kitang-kita ang kanyang ganda at kaseksihan. Hindi siya nahirapan sa mga eksenang two-piece lang dahil komportable at confident siya kapag naka-swimsuit. Sa tagal nila sa Bora ay hindi mabilang ni Anne kung ilang pares ng bikini ang isinuot niya sa beach. Cute ‘yung kuwento ni Anne na may mga moment si Aga na nagsasa­lita itong mag-isa. “Hindi ko alam kung ano ‘yung sinasabi niya, basta naririnig kong nagsasalita siyang mag-isa. Pero as an actor, ang ga­ling niyang magdala. Talagang madadala ka! “Iba si Aga Muhlach. That’s why after every shooting day, I always go to bed with a smile on my face. It’s such a pleasure working with him!” nakangiting bulalas ni Anne, na tumangging magsalita tungkol sa rumored boyfriend niyang si Sam Milby dahil hindi raw kasama si Sam sa pelikula. *** Sa palagay ni Aga Muhlach ay malamang si Anne Curtis na ang pinakabatang magiging leading lady niya. 38-anyos ang aktor at 23-anyos ang mestisang young actress. “Bagay naman kami, eh! Pero mahirap nang bumaba pa riyan (‘yung edad),” napapangiting sambit ni Aga, na natawa lang sa nagsabing baka ang susunod niyang makapareha ay si Shaina Magdayao. Kapansin-pansin na medyo nag-gain ng weight ang aktor sa When Love Begins, kesa sa huling movie niyang A Love Story na very lean ang kanyang katawan. Aminado siyang med­yo pinroblema niya kung paano siya muling papayat, pero natuwa siya sa mga nagkomento na mas bagay sa kanya ang medyo may laman kesa payat na payat at hum­pak ang mukha. Isang nice love story ang description ni Aga sa When Love Begins. Tila may mensahe rin ito tungkol sa pangangalaga sa kalikasan dahil may pagka-environmentalist ang karakter ni Aga. Sa presscon ay pa­nay ang biro niya sa kanyang leading lady. Sey ni Aga, hindi pa nakukunan ang love scene nila ni Anne dahil si Anne daw ang gustong magdirek nito at may mga gusto itong gawin sa nasabing eksena, sabay dugtong ng, “Joke!! Baka magalit si ano…” biting kantiyaw niya sa kapareha. Kung inamin ni Anne na nanigas siya sa nerbyos nu’ng unang araw ng shooting nila ni Aga, nabanggit din ni Aga na siya rin ay naninigas ‘pag kasama si Anne dahil med­yo nahihiya rin siya at nate-tense, pero hindi niya lang ito ipinapahalata sa dalaga. Bago sila nagkatrabaho, ang alam lang daw niya kay Anne ay maganda ito. After working toge­ther, “I discovered na she’s a very nice girl, she’s a person with a good heart and she’s fun! “At saka hindi siya dapat lokohin ng mga la­lake. Mahirap magsa­lita ‘pag may asawa ka na, eh!” natatawang dayalog pa ng guwapong aktor. Samantala, natanong si Aga hinggil sa pagbabalik-showbiz ng kapwa niya matinee idol na si Gabby Concepcion. Ang sabi niya, “It’s nice to have him back. Kung makakagawa siya ng magagandang pelikula, mas matutuwa ako dahil ‘yun ang dapat gawin at ‘yun ang dapat bigyan ng importansiya. “He’s a good friend of mine, a long lost friend. I hope he does well,” kind words ni Aga kay Gabo. Sa Abril 30 ang sho­wing ng When Love Begins na co-prod ng Viva Films at Star Cinema, sa direksyon ni Joey Reyes.
Abante Tonite



April 12, 2008 06:52 PM Saturday
Hirit ni Aga kay Anne: ‘Akin ka lang ngayong Abril’ By: Gerry Ocampo
Hot Shots
Trailer pa lang, marami na ang kinilig at nabighani sa ganda ng pagkakadirek ni Jose Javier Reyes sa When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis. Sa presscon, hindi naitago ni Anne ang fulfillment sa matagal nang pangarap na makasama si Aga sa isang pelikula. “Yes, matagal ko nang pangarap makasama si Aga. Sa first shooting day, nanigas ako dahil sa sobrang tension. Nawala lang ’yon nu’ng sabihan ako ni Aga na relaks at enjoy lang,” tsika ni Anne. Marami naman ang nanibago sa ikinilos ni Aga sa presscon. Depensa nito, inspired lang siya kaya masaya. “Ganyan talaga ako kapag inspired. Anne is a pretty girl at very professional. Siya ang uri ng babae na hindi dapat niloloko. Very sincere kasi magmahal ’yan,” say ni Aga. Request niya kay Anne, mag-concentrate sa pagpo-promote ng When Love Begins at kalimutan muna ang pag-ibig. “Akin ka lang ngayong Abril,” parinig pa ng mister ni Charlene Gonzales. Naging prangka si Anne nang sagutin ang tanong ng ilang press na kung nagkataon bang binata si Aga, posible siyang ma-in-love rito? “Posible. Sino ba namang artista ang hindi magkaka-crush sa isang tulad ni Aga?” ani Anne. Hindi pa nakukunan ang love scene ng dalawa, pero tiniyak nilang magiging memorable ito sa fans. Samantala, dahil nga inspired, nagpa-raffle si Aga ng walong Promac TV sets sa presscon.
Journal Online



April 12, 2008 03:25 PM Saturday
Anne Curtis hindi naniniwala sa love at first sight By: Chan-Chan Torres Eksenadora
AMINADO si Anne Curtis na isang dream come true para sa kanya na maging leading man, finally,si Aga Muhlach. Magkasama ang dalawa sa When Love Begins (ipapalabas sa April 30) ng Star Cinema, at sa presscon nito ay sinabi mismo ni Anne na twelve years old pa lang siya ay pinangarap na niyang ma-katrabaho si Aga. Sa parte naman ni Aga, sinabi nito na bilib siya sa ka-baitan ni Anne. Napakabait daw ni Anne at professional ito pagdating sa trabaho. Considering na si-ya ang pinakabata sa lahat ng naging leading ladies ni Aga. Kaya nga natutuwa raw talaga ang aktor sa ipinapa-kitang dedication ni Anne sa trabaho. Hindi raw ito maarte sa set. Basta, super-nice daw ang tisay na aktres. Anyway, most of the scenes were shot sa famous na Boracay at talaga namang na-paka-romantic ng trailer nito. Ang seksi pa ni Anne. Tinanong din ang aktres: Since karamihan ng kanyang scenes ay naka-two-piece swimsuit lang siya, naging kumportable ba siya on cam? Siyempre, iba ‘yung may kaeksena kang aktor at iba rin ‘yung kaswalan lang with friends, ‘di ba? Sabi ni Anne, hindi raw ito naging problema sa kanya. Kumportable ang aktres wearing those two-piece swim suits at nasa beach nga naman ‘yun. Very love story ang da-ting ng pelikula at feel good ang effect nito na may touch of light drama. Obvious ba? Kasama rin po rito si Christopher de Leon, no less. Maraming makaka-relate sa te-ma ng pelikula in the sense na love at first sight ang hatid na mensahe nito at ‘yung ‘wag ma-daliin ang mga ba-gay-ba-gay. Ayon kay Anne, hindi si-ya nani-niwala na puwedeng ma-in love agad sa unang ki-ta pa lang sa tao. Aniya, puwedeng ma-attract ka lang, pero imposible raw para sa kanya ang ma-in love kaagad. Oo nga naman. It takes time to love a person, to in-vest emotions sa pagiging friends at eventually puwede rin palang maging kayo.
Journal Online



April 12, 2008 05:10 PM Saturday
By: Nitz Miralles
Si Gary Valenciano uli ang kumanta ng theme song ng When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis. Fan talaga ang actor ni Gary, dahil habang kumakanta, nakatitig at talagang nakinig siya at napasigaw pa sa tuwa. Pang-apat na beses nang si Gary ang kumanta ng theme song ng movie ni Aga at nang tanungin kung bakit, heto ang kanyang sagot: “Naniniwala ako sa kanya, nakaka-uplift siyang kumanta at feel na feel ang kanta ’pag siya ang kumakanta, mas nagkakaroon ng impact ’pag siya ang kumanta at sa kanta pa lang, makikita mo na ang story ng movie at idagdag pang magaling siyang singer.” Samantala, pinansin ng press ang puwet ni Anne du’n sa eksenang naka-two-piece siya at niyayang mag-swimming si Aga. Kahit female reporters, humanga sa ganda ng puwet ng actress at sa sinabi nitong marami siyang ginamit na two-piece sa movie, ibig sabihin, maraming eksenang ganu’n ang suot niya. Nabuking pala si Anne na matagal na siyang may pagnanasa kay Aga sa inaming 12 years old pa lang siya at sa presscon pa lang ng Magic Kingdom (her first movie), sinabi nang gusto niyang makapareha ang actor. “Kaya, dream come true ang movie na ito. When I was told na finally, makaka-partner ko siya, I was excited and I can’t wait to read the script,” sabi ni Anne. Sa Cinema 9 and 10 ng SM Megamall ang premiere night nito sa April 29, at Apr. 30 naman ang showing. May international screening pa ang pelikula.
Journal Online



April 12, 2008 05:25 PM Saturday
By: Mario E. Bautista
‘AGE GAP BETWEEN AGA AND ANNE NO PROBLEM’ DIRECTOR JOEY REYES is known for romances that not only make money but also win awards, like the “Kasal” and “Sakal” movies of Juday and Ryan. He now megs the first teamup of Aga Muhlach and Anne Curtis, “When Love Begins”, a Star-Viva co-production. What’s the challenge of making another romantic film like this for him? “It’s always a joy to work with Aga with whom I’ve done many films before like ‘Bakit Labis Kitang Mahal’, ‘May Minamahal’, ‘Narinig Mo Na Ba ang L8est’ and ‘Kung Ako Na Lang Sana’,” he says. “The challenge here is creating a vehicle for him and Anne, who is so unique from all the other young stars we have today in that there’s this fire in her. Siya lang ang may libog and that’s a great challenge for me. She’s definitely not pa-sweet here. Add to this the fact that we shot many scenes for nine days in Boracay. I love Boracay so much. It’s my personal sanctuary and I often go there by myself, so this very personal for me. Actually, dusa kami kasi sobrang init when we were shooting there but, still, it’s so much fun and we all bonded well.” Is the age gap between Aga and Anne also a challenge for him? “Hindi naman sila mukhang magtiyuhin, ano? Aga’s advantage is he’s so goodlooking and boyish and Anne naman is playing a mature role and is also very mature in her thinking, so age was never an issue in this movie, even in the two love scenes that they do here.” He has written a beautiful love story for them with a touch of environmental significance. “Aga is Benedict, a lawyer who has become an environmentalist and wants to protect Boracay from the onslaught of business and progress, like the damage being done to its coral reefs. Anne is a rich girl who dances from one fleeting relationship to another. She’s also the daughter of Christopher de Leon, a real estate magnate who is creating ecological imbalance in the island. So, doon pa lang, may conflict na sila. But they meet in Boracay, they fall in love there and also break up there, then they meet again in Manila.” “When Love Begins” opens in theatres on April 30.
Journal Online



April 12, 2008 06:44 PM Saturday
Robin at Ai-Ai, nagparaya kina Aga at Anne By: Vinia Vivar
Hot 'n Spicy
Ingat na ingat si Aga Muhlach sa pagsagot ng mga katanungan tungkol sa kanyang leading lady sa When Love Begins na si Anne Curtis sa first presscon ng movie last Thursday night. May mga katanungan kasing puwedeng mag-link sa kanila romantically depending on his answers, kaya nakatutuwang pagmasdan ang aktor kung paano mag-apuhap ng mga salita para lang hindi siya ma-misinterpret ng press. Bagama’t all praises si Aga kay Anne, ipinauna niyang ayaw niyang magkaroon ng love angle sa kanila simply because he’s a happily married man. “Sa lahat ng pelikulang ginawa ko mula nang mag-asawa ako, I’ve never ever went into the angle of love sa leading lady or ’yung manligaw. I don’t need that, really. People accept me for what I am, who I am, what’s my status now, a married man,” paliwanag ni Aga. Sa presscon, ibinuking ni Anne na may mga oras sa shooting na parang kinakausap ni Aga ang sarili, kaya nang makausap namin ang aktor in a separate interview, tinanong namin siya kung ano ba ’yung mga ibinubulong niya sa sarili. At first, say ng aktor, “Bakit ko naman sasabihin sa inyo?” But afterwards ay nagsalita rin siya. “It’s just like that. Minsan, there are things that you want to do for her, you know. But you just have to know your limitations and when to stop. “That’s why when it’s really so nice already, then you just have to stop it, then you start murmuring,” sabi ng aktor. Aminado rin siya na sobrang nag-enjoy siya shooting the film, lalo pa nga’t sa romantikong lugar na Boracay kinunan ang malaking bahagi ng pelikula. Ten days sila sa Bora at doon nagkakilanlan nang husto, hindi lang si Anne, kundi maging ang iba pang co-stars niya. “Wow, you know, Boracay was a fun experience, really. Not only with Anne, but pati ’yung co-stars namin, sina Jon Avila, Rafael Rosell, you know, all these young guys. “It’s fun to be with these young generation. And lahat sila, medyo naiilang sa ’yo. Like, hello, mas simple pa ako sa inyo. Steady lang. Kaya nga ang tawag nila sa akin, “Aga ‘Steady Lang’ Muhlach.” “Parang enjoy lang. I just want everyone to have fun like the fun I experienced. How I’m treated on the set, I want them to be treated that way also. “Tapos, maraming opening up, we’re together everyday. You hear their secrets, their frustrations in life, ganyan. And you get to know them more. “Like people look at Anne, beautiful, sexy, like that, ganyan. But hindi nila alam how is she as a daughter, as a friend and as a person. People do not know that, really. “Responsableng tao ’yan, so hindi tatanga-tanga ’yan. Kaya nga sinasabi ko na… wala,” say ni Aga, na hindi na itinuloy ang sasabihin. Aminado rin ang aktor na nalulungkot siya ngayong matatapos na nila ang shooting ng movie. May four shooting days pa ito and it makes him sad that it has to end, kaya ngayon daw, ii-enjoy na lang niya ang buong buwan ng Abril kung saan ay makakasama pa niya si Anne at ang iba pang cast sa promo. Asked kung ano ang pinakagusto niya kay Anne habang sinu-shoot ang pelikula, sabi ni Aga, ito ay ’yung nasa Bora sila, kapag nakalugay ang mahabang buhok ng young actress at walang make-up. “Kasi dito sa Manila, ang shoot namin, she’s all dressed up, made-up. In Boracay, you see her real face, no make-up, ganyan, just sunburn, and a little powder siguro. And she’s very pretty. Oh, yeah. The whole time in Boracay. At maganda siyang magdala ng bathing suit,” seryosong sabi ni Aga. When Love Begins is showing on April 30 mula sa direksyon ni Joey Reyes. * * * Still on When Love Begins, sa presscon ay nakausap namin si Veronique del Rosario ng Viva Films since the movie is a co-production of Viva and Star Cinema. April 30 rin kasi ang playdate ng isa pang Viva-produced film, ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy nina Robin Padilla at Ai-Ai de las Alas. Kaya, tinanong namin ang lady producer kung magtatapat ba talaga ang kanilang mga pelikula. Ayon kay Veronique, inurong na pala nila ang playdate ng Ikaw Pa Rin to give way to When Love Begins. Mayo na raw ang showing ng Robin-Ai-Ai starrer. Okay naman daw kina Binoe at Ai ang change of playdate at mas maganda nga raw iyon para mas magkaroon pa ng maraming oras to promote the movie.
Journal Online



April 12, 2008 03:17 PM Saturday
By: Noel Asiñas
MATURE woman na talaga si Anne Curtis. Kasi, hindi na siya nagda-lawang isip nang ialok sa kanya ng Star Cinema ang peli-kulang When Love Begins kahit pa lagi siyang naka-skimpy bikini rito. Noon ay bantulot siyang magpakita nang husto ng kanyang sexy body. Wika ni Anne: “Alam mo, confident ako sa body ko. Bakit ako magdadalawang isip na magsuot ng bikini na ang location pa ay paborito kong puntahan yearly, ang Boracay.” Bukod dito nasabi ni Anne na matagal na niyang inaambisyon na maging leading man si Aga Muhlach. Tungko sa kissing scenes nila sa movie. Tanging nasabi ni Anna: “Wala kaming take 2. Basta sinusunod lang na-min ang tagubilin ng direktor.” Si Anne ay nali-link nga-yon kay Sam Milby.Pero nang tanungin namin siya ay kanyang nasabi na lumiligaw pa lang ang binatang actor/singer. Aniya: “Loveless ako ngayon. Kasi, maingat na ako sa pakikipagrelasyon. Ayoko na nang break-up kapag nag-kasawaan. Gusto ko ngayon ay tuluy-tuloy na sa altar.” Sabi pa ni Anne na ang pi-nakamahaba niyang nakare-lasyon ay ang kanyang first BF, si Oyo Boy Sotto. Almost threee years daw ang relasyon nila. Aniya: “Iba ang relasyon naming dalawa. Kasi, pareho kaming bata. Madrama talaga. Exciting talaga. Biro mo may pagkakataon na nag-away kami dahil sa suot kong mini-skirt. Talagan bumaba ako sa Makati Ave. patungong Glorietta. “Habulan kaming dalawa. Kasi ako naglakad lang sa kalye, siya nakasakay sa kotse. Pilit niya akong sinusundan. Pero, ako rin later nakaipaghiwalay.” Nakikipaghiwalay si Anne kung wala na siyang tiwala sa lalaki. Ani Anne: “Sa totoo lang si Oyo Boy ang iniyakan ko nang nagkahiwalay kami. Bongga ang pag-iyak ko dahil talagang dinamdam ko.” Kumpara kay Richard Gutierrez, mas iniyakan niya si Oyo Boy nang nagkahiwalay sila. Pero, dugtong ni Anne: “Maproblema ang relasyon ko noon kay Richard, kasi ayaw sa akin ni Tita Annabelle (Rama). Kasi, ito ‘yung panahong may issue sa akin na playgirl image. Pero, later on ay nakasundo ko rin si Tita Annabelle. Hindi naman kasi ako playgirld talaga, eh!
Journal Online



Photobucket
‘Siya lang ang may libog and that’s a great challenge for me. She’s definitely not pa-sweet here. – Joey Reyes’
Direk Joey: There’s fire in Anne
Director Joey Reyes is known for romances that not only make money but also win awards, like the "Kasal" and "Sakal" movies of Juday and Ryan. He now megs the first team up of Aga Muhlach and Anne Curtis, "When Love Begins," a Star-Viva co-production. What’s the challenge of making another romantic film like this for him? "It’s always a joy to work with Aga with whom I’m done many films before like ‘Bakit Labis Kitang Mahal,’ ‘May Minamahal,’ ‘Narinig Mo na Ba ang L8est,’ and ‘Kung Ako na Lang Sana,’" he says. "The challenge here is creating a vehicle for him and Anne, who is so unique from all the other young stars we have today in that there’s this fire in her. Siya lang ang may libog and that’s a great challenge for me. She’s definitely not pa-sweet here. Add to this the fact that we shot many scenes for nine days in Boracay. I love Boracay so much. It’s my personal sanctuary and I often go there by myself, so this is very personal for me. Actually, dusa kami kasi sobrang init when we were shooting there but, still, it’s so much fun and we all bonded well." Is the age gap between Aga and Anne also a challenge for him? "Hindi naman sila mukhang magtiyuhin, ano? Aga’s advantage is he’s so good looking and boyish and Anne naman is playing a mature role and is also very mature in her thinking, so age was never an issue in this movie, even in the two love scenes that they do here." He has written a beautiful love story for them with a touch of environmental significance. "Aga is Benedict, a lawyer who has become an environmentalist and wants to protect Boracay from the onslaught of business and progress, like the damage being done to its coral reefs. Anne is a rich girl who dances from one flitting relationship to another. She’s also the daughter of Christopher de Leon, a real estate magnate who is creating ecological imbalance in the island. So, doon pa lang, may conflict na sila. But they meet in Boracay, they fall in love there and also break up there, then they meet again in Manila." "When Love Begins" opens in theaters on April 30.
Malaya Entertainment



Photobucket
‘I am not threatened by him’ – Aga
SANGA-SANGANDILA Ni Veronica R. Samio Saturday, April 12, 2008 May nagtanong kay Aga Muhlach kung hindi ba siya nati-threaten sa pagdating ng bansa ni Gabby Concepcion, hindi ba siya nangangamba na ang mga roles na dapat sa kanya ay maagaw pa? Magaling ding aktor ang balikbayang artista at kahit may pitong taon ang tanda nito kay Aga ay hindi naman halata, parang magkasing-edad lang sila.
“I’m glad that he’s (Gabby) back. No, I am not threatened by him,” ang maagap na tugon ng guwapong aktor na marami nang kasabayan ang ngayon ay gumaganap na ng father roles pero siya ay in demand pa ring leading man at pabata nang pabata ang kanyang nagiging leading lady.
Tulad ni Anne Curtis na siyang kapareha niya sa When Love Begins ni Jose Javier Reyes. At hindi sila basta magka-partner lamang, lovers sila sa nasabing movie na isang love story at mayro’ng maraming love scenes kaya makikita ang kaseksihan ng dalawa. The movie is a dream come true for Anne dahil ginagawa pa lamang niya ang Magic Kingdom ay sinabi na niya na gusto niyang makapareha si Aga.
“Pero na-tense ako nang maka-eksena ko na siya. Nanigas ako. We had to reshoot the scene. Buti na lang naintindihan ako ni Aga, kinausap niya ako and said na fun lang iyong ginagawa namin,” kwento ni Anne.
Pilipino Star Ngayon



ABOUT SHOWBIZ Ni Nitz Miralles Saturday, April 12, 2008
Biniro ng press si Anne Curtis na matagal na palang pinagnanasaan si Aga Muhlach, sa inamin sa presscon ng When Love Begins na 12 years old pa lang siya ay dream na niyang makapareha ang actor. Natupad ito sa Star Cinema at Viva Films. Tension ang naram­daman ni Anne sa first shooting day nila ni Aga, dahil sa status ng actor. Agad lang naalis ang kaba niya’t mabait ang actor and she was advised to just relax and enjoy the movie. Ito rin ang payo ni direk Joey Reyes, kaya nag-enjoy siya sa shooting.
Pilipino Star Ngayon



Photobucket
Jocelyn Dimaculangan Friday, April 11, 2008 01:48 PM When Love Begins was shot partly in Boracay located northwest of mainland Aklan province. Aga Muhlach and Anne Curtis are paired together for the first time in this romantic drama directed by Joey Reyes. One would definitely feel the heat in this contemporary yet heart-tugging story of Ben Caballero (Aga) and Michelle "Mitch" Valmonte (Anne). They are two people whose emotions are overwhelmed by their personal problems, making it difficult for them to fall in love. When time presents the opportunity to find their perfect match, will they be able to figure out their weaknesses and fight their personal demons and prove that their passion is not just a fleeting emotion? The film's director, Joey Reyes told PEP (Philippine Entertainment Portal) about this movie, which was originally titled Waiting for Love. "They [Ben and Mitch] met in Bora. They met in Boracay but the love continues in urban Manila." According to Direk Joey, the lawyer-turned-environmentalist was in Boracay because Ben was organizing a project for the coral reefs of the island. "That's where the conflict comes in," revealed Direk Joey during his solo press conference at the ABS-CBN compound last April 9. "Because Anne's father, Christopher De Leon, turns the land into subdivisions and to semi-commercial areas. By doing so, he is creating rural imbalance. You know, ecological imbalance. That's where the clash between the characters of Ben and Mitch happens." A powerhouse and exciting group of actors provide excellent acting support to Aga and Anne namely: Ronaldo Valdez, Boots Anson Roa, Desiree Del Valle, Dimples Romana, Mandy Ochoa, Angel Jacob, Rafael Rosel, AJ Dee, Jon Avila, Mads Nicolas, Alma Lerma, Jennifer Lee. The film introduces some of ABS-CBN's products of PBB and PDA: Micky Perz, Dionne Monsanto, Raymond Lim, Riza Santos, Gail Nicolas, Gemma Fitzgerald and Davey Langit. The whole country will definitely feel the love this summer with When Love Begins as it opens on April 30 in over 150 theaters nationwide.
PEP Portal



WHEN LOVE BEGINS, set primarily in picturesque Boracay island centers around Ben Caballero (Aga Muhlach) and Michelle Valmonte (Anne Curtis), two individuals who come to terms with issues of commitment and conflict. Will the two able to come to terms with their problems and end up being together? One would definitely feel the heat in this very contemporary, yet heart-tugging story of Ben and Michelle, two people whose emotions are lost in their personal turmoils, making it difficult for them to fall in love. When time presents the opportunity to find their perfect match, will they be able to figure out their weaknesses and fight their personal demons in time and prove that their passion is not just a fleeting emotion?
staradprom's Site/When Love Begins Article
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
staradprom's Site/When Love Begins Photos



Pinoy Exchange When Love Begins